Default Thumbnail

Kelot tiklo sa P95K shabu, baril sa Taguig

January 27, 2023 Jonjon Reyes 207 views

MAHIGIT P95,000 na halaga ng shabu ang nasamsam sa isang 56-anyos na lalaking naaresto sa isinagawang operasyon ng Taguig City Police sa P. Mariano Street sa Barangay Ususan noong Biyernes, Enero 20.

Nakuha mula sa suspek na nakilalang si Bernardo Tiñga, 56, ang isang kalibre 45 na baril, isang basyo ng 45 cal. magazine, anim na bala ng kalibre 45, at iba pa.

Ang isinagawang raid ng mga tauhan ng Taguig PNP Sub-Station 4 ay sa bisa ng search warrant na inisyu ni Taguig City Regional Trial Court Branch 15-FC Judge Byron G. San Pedro.

“Ang Taguig ay napakalakas ang paninindigan laban sa ilegal na droga. Sa katunayan, mismong si Mayor Lani Cayetano ay may marching order na alisin ang mga ilegal na substances na ito sa ating lungsod. Sinisiguro namin sa publiko na hindi titigil ang Taguig Police hangga’t hindi natin naaabot ang goal natin na ito,” ani Taguig City Police Chief Col. Robert Baesa.

AUTHOR PROFILE