Posas

Kelot tiklo sa P272K na shabu

January 31, 2025 Jojo C. Magsombol 96 views

NASAKOTE ng mga pulis-Tanauan noong Linggo ang lalaki na may dalang shabu sa Brgy. Darasa, Tanauan City, Batangas,

Nahuli si alyas Alexander ng City Drug Enforcement Team ng Tanauan City police sa buy-bust bandang alas-8:50 ng gabi.

Nakumpiska sa kanya ang 40 na gramo ng shabu na may katumbas na halagang P272,000, marked money, pitong pekeng P1,000 bill at asul na sling bag.

AUTHOR PROFILE