Kelot tiklo sa kasong murder, attempted murder
NASAKOTE kamakalawa ng mga otoridad ang isang lalaking pinaghahanp dahil sa kasong pagpatay at tangkang pagpatay sa Brgy. Langkaan, Dasmariñas, Cavite.
Nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Tuy police laban kay alyas Juan na nakatira sa nasabing lugar.
Naaresto ang suspek dahil sa mga kasong murder at attempted murder sa tulong ng warrant of arrest na inisyu ni acting Presiding Judge Janalyn Beron Gainza-Tang ng Regional Trial Court branch 11 ng Balayan, Batangas.
Walang piyansang inirekomenda para sa kasong murder pero pinayagan magpiyansa ang suspek ng P120,000 para sa attempted murder.