Crime

Kelot tigok sa riding in tandem

July 27, 2023 Jonjon Reyes 191 views

IPINAPALAGAY ng pulis na malaki ang posibilidad na may kinalaman sa iligal na droga ang pananambang sa isang 23 anyos na tambay sa New Panaderos St., Barangay 888 Sta. Ana, Manila gabi nitong Miyerkules.

Nakilala ang biktimang si March Vincent Sanchez, 23, ng 2820 New Panaderos St., Brgy. 888, Sta. Ana, Manila.

Nakatakas ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo, ayon sa pulis.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Arvy Macarasig kay Police Captain Dennis Turla hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 10:00 ng gabi nang pagbabarilin ang biktima sa loob ng bahay nito.

Sinabi ng testiga na may biglang sumulpot na dalawang lalaki at pumasok sa nasabing bahay at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Naisugod pa ang biktima sa Sta. Ana Hospital subalit idineklarang patay na dakong 11:05 ng gabi.

AUTHOR PROFILE