Default Thumbnail

Kelot sinita sa yosi kulong dahil sa baril

March 15, 2023 Jonjon Reyes 337 views

INARESTO ng mga operatiba ng MPD ang isang lalaki dahil lamang sa smoking in public. Ito ay pagkatapos madiskubreng may bitbit itong improvised na baril.

Ang 23-anyos na suspek ay kaanib umano ng Bahala Na Gang (BNG) at inaresto Martes ng hapon sa Anonas Street , sakop ng Barangay 591, Sta.Mesa, Manila.

Nakilala ang suspek na si Rex Porquiz, binata, jobless ng Buenos Aires Street, Sampaloc, Manila.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Dionnelle Brannon, Manila Police District- Sta.Mesa Police Station 8 commander, bandang 2:30 ng hapon nang masita ng kanyang mga kapulisan ang suspek sa naturang lugar.

Sa report ni Police Captain Leonardo So, hepe ng Bacood Police Community Precinct ng MPD, habang nagsasagawa sila ng “Oplan Galugad” sa kanilang Area of Responsibility ( AOR) kasama ang ilan nitong mga tauhan, nang mapansin nila si Porquiz na naninigarilyo sa pampublikong lugar,at may kakaibang kilos kaya nila ito sinita.

Habang kinakausap ng mga awtoridad ang suspek,napansin ni Police Staff Sargent Israel Herandez,ang naka umbok sa baywang nito. Dito na nakita ang isang wood stick na may handle ng kulay itim na rubber na kargado ng isang bala ng 9MM na pistola at dalawa pa na nasa kanyang pag iingat.

Matapos maidukumento ni Police Corporal Jenard Ver Aviles , may hawak ng kaso, dinala na ito sa duty Inquest Fiscal para sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591( illegal possesion of Fire Arms and Ammunitions) at City Ordinance 8521 (Smoking in Public Places).

AUTHOR PROFILE