Kelot sinilaban sarili, 5 bahay nasunog
ISANG lalaki na wala umano sa katinuan ang nasawi matapos silaban nito ang sarili sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Limaha, Butuan City nitong Linggo.
Nakilala ang nasawi na si Roldan, 34, at dumaranas umano ng depression.
Bukod sa bahay ng lalaki, limang bahay din ang nadamay sa sunog.
Batay sa ulat ng Butuan City Police office, naganap ang insidente dakong 11:44 ng tanghali sa Purok7, Barangay Limaha, Butuan City.
Ayon sa ulat, pinabili ng lalaki ang anak ng gasolina para linisin ang isang makina.
Gayunman, sa halip na maglinis ng makina ay pumasok ito sa loob ng kanyang silid at sinilaban umano ang sarili.
Mabilis na kumalat ang apoy kaya’t nadamay din sa sunog ang limang bahay na gawa sa light materials.