Bahala Na Gang

Kelot sablay sa nenok timbog

August 8, 2023 Jonjon Reyes 394 views

ISANG 34-anyos na miyembro ng Bahala Na Gang ( BNG) ang naaresto ng mga pulis makaraang pumasok sa loob ng bahay sa Leon Guinto St., Barangay 725, Malate, Manila Lunes ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Roque Peleño, ng Tenorio St., San Andres Bukid , Manila.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District-Malate PS 9, bandang 3:00 ng hapon nang madiskubreng may nakapasok na lalaki sa bahay ng pamilya Grape sa naturang lugar.

Doon na rumesponde ang mga tauhan ni Tangdol at natagpuan nila ang lalaki sa kisame sa ika-2 palapag ng bahay.

Pilit nila itong pinabababa, pero piniling kaya nasugatan.

Bago dinala sa presinto, sumailalim ang suspek sa Medical examination sa Ospital ng Maynila.

TRESPASSER–Ang suspek na naaresto ng mga operatiba MPD Malate PS 9 matapos na nabuking at nakulong sa loob ng bahay ng mga biktima. Kuha ni Jon Jon Reyes

AUTHOR PROFILE