Medical

Kelot pinagpapalo tigok after 4 days

December 8, 2023 Jonjon Reyes 154 views

INABOT ng halos apat na araw bago matodas ang lalaking pinagpapalo ng kapwa-scavenger sa Remegio St., Brgy. 332, Sta. Cruz, Maynila.

Namatay ang biktima noong Disyembre 7 sa Jose Reyes Memorial Medical Center, ayon sa report.

Tinatayang nasa edad 35-40, payat , may tatoo sa kaliwang dibdib, nasa 5′ 0 ang taas ng biktima.

Nasa 45-50 anyos, 5′ 5 ang taas, may tattoo sa itaas na bahagi ng likuran at mahaba ang buhok ng suspek na mabilis nakaeskapo matapos ang krimen.

Una ng nai-report ang insidente bandang alas-10:15 ng gabi noong Disyembre 2, ayon sa mga pulis.

AUTHOR PROFILE