Default Thumbnail

Kelot pinagbabaril sa Parola

April 23, 2023 Jonjon Reyes 214 views

ISANG 24 anyos na lalaki ang pinagbabaril ng kaanib ng Commando Gang habang naglalakad sa iskinita ng Gate 13 Parola Compound sakop ng MPD Police Station 12 sa Tondo, Manila, madaling araw nitong linggo.

Nakilala ang biktima na si Reymart Ferrer, residente ng Gate 12, Parola Compound.

Ayon sa ulat ni Det.Boy Niño Baladjay na ibinigay kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District- Honicide Section, bandang 2:30 ng madaling araw, nang pagbabarilin ang biktima habang naglalakad papauwi sa kanyang bahay.

Dahil sa dami ng tama ng bala na tinamo ng biktima ay agad na binawian ito ng buhay.

Sa ginawang pagsisiyasat ni Det. Baladjay, nahirapan ang mga kapulisan na magsagawa ng follow-up operation dahil ni isa ay walang nakatestigo sa nangyaring krimen, maliban lamang sa tiyuhin ng biktima na nag bigay ng salaysay.

Dahil dito, pansamantalang inilagak sa Body and Light Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya, habang patuloy na ngangalap ng testigo sa ikalulutas ng kaso.

Kamakailan ay mariing ipinahayag ni NCRPO Chief. Regional Director Police Maj.General Edgar Allan Okubo sa mga kapulisan at mga station commanders ng Manila Police District na kapag may mga nangyaring sunod sunod na tatlong beses na insidente ng pamamaril sa kanilang mga nasasakupang lugar at walang naresolbang kaso,hindi magdadalawang isip ang butihing heneral na ilipat ito o tangalin ang mga naturang station commanders.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga operatiba ng MPD Homicide Section kaugnay sa nangyaring pamamaril.

AUTHOR PROFILE