Kelot patay sa ‘palo’ sa Tondo

August 8, 2022 Jonjon Reyes 152 views

ISANG lalaki ang namatay matapos na pagtulungan at pagpapaluin ng apat na kalalakihan sa Tondo, Linggo ng umaga.

Ayon sa report ni P/Lt. Col. Robert Domingo, station commander ng Manila Police District (MPD) Station 7, bandang 6:20 ng umaga, nang patayin sa palo ang biktimang si Rafael Altavo, 43-anyos, ng Cavite St., Gagalangin, Tondo.

Nagawa pang maisugod ang biktima sa Ospital ng Tondo subalit idineklarang “dead on arrival” ng attending physician dakong 6:35 a.m.

AUTHOR PROFILE