Kelot nalasog sa tren

April 13, 2022 Jonjon Reyes 80 views

ISANG hindi pa nakikilang lalaki ang nasagasaan ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa riles sa panulukan ng Antipolo at Ipil Sts Sta. Cruz, Manila, nitong Martes ng hapon.

Ang bangkay ay tinatayang nasa siyam hanggang 12 taon, nasa apat hanggang limang alampakan ang taas , nakasuot ng itim na shirt at asul na pajama.

Batay sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit, bandang 2:45 p.m. nang maganap ang aksidente.

Isang Eleseo Paragas, 11, ang nagbigay ng salaysay sa pulisya. Diumano’y naglalaro ito sa lugar nang makita niya ang biktima na nabundol at nasagasaan ng tren .

Isang Arjay Barlaan, operator ng PNR Locomotive train na may body number DEL 921, ang isinailalim sa imbestigasyon.

AUTHOR PROFILE