Default Thumbnail

Kelot nahulihan ng baril sa Sta. Ana, arestado

February 12, 2023 Jonjon Reyes 556 views

Iimbestigahan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District kung ang pagkaaresto ng isang 49-anyos na tambay ay may kinalaman sa serye ng holdapan partikular sa Pasay matapos mahulihan ang suspek ng kalibre 38 baril sa Sta.Ana, Manila, madaling araw nitong Linggo.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang suspek na nakilalang si Jeffrey Domingo, binata, at residente ng Road 15 Fabie Estate, Barangay 790, Zone 86, Sta.Ana.

Batay sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng DSOU- MPD, pasado 2:10 a.m. nang makitaan ng baril ang suspek sa kalye ng Road 15 sa nasabing lugar.

Ang suspek ay naarestodahil sa pinaiiral ni MPD- Director Police Brigadier General Andre P. Dizon na Oplan Galugad at ang Simultaneous Anti- Crime Law Enforcement Operation (SACLEO).

Sa pag-iikot ng mga operatiba sa pangunguna ni Police Senior Master Sargent Alfredo Fabian, nakitaan ang tambay na may 38 pistola na kargado ng isang bala.

Pinuri ni General Dizon ang mga tauhan ng DSOU sa patuloy na ginagawang pagsugpo sa mga mapagsamantalang indibidual.

AUTHOR PROFILE