Kelot nababad ng ‘5 araw’ sa Ilog Pasig, bangkay namaga
NAMAMAGA na ang buong katawan ng isang lalaki na hinihinalang may lima hanggang anim na araw nang babad sa tubig nang matagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard PCG) sa ilalim ng tulay ng Delpan sa Binondo, Manila, Lunes ng hapon
Tinatayang nasa edad 20 hanggang 25 anyos ang hindi pa nakikilalang biktima na may taas na 5’3 hanggang 5’5, naka suot ng itim na long sleeve shirt, walang suo sa pangibaba , at may tattoo sa kanang balikat.
May tatoo ng salitang “tribal” sa dibdib ng bangkay.
Base sa ulat na isinumtie ni Det.Jansen Rey San Pedro kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, bandang 5:20 p.m., nang mamataan ng isa sa tauhan ng PCG na nakabase malapit ang bangkay sa ilalim ng tulay ng Delpan ang Sub Station 1 sa Binondo.
Agad nila itong iniahon saka tumawag sa tanggapan ng Homicide Section.
Kasama ang mga tauhan ng Forensic Unit ng MPD para isagawa ang fingerprint sa pagkakakilalan sa biktima.
Isasailalim ang bangkay sa Body and Light Funeral Morgue kung ito’y biktima ng “summary execution” .