Suspek HULI KA BOY–Isinilbi ng mga operatiba ng MPD ang warrant of arrest ng isang suspek sa kasong tangkang pagpatay nang matimbog sa Mayhaligue St., Sta. Cruz, Manila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Kelot na pumalpak sa pagtodas timbog

December 15, 2023 Jonjon Reyes 235 views

TIMBOG sa mga operatiba ng District Intelligence Investigation Division ll ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District ang isang lalaki dahil sa tangkang pagpatay noong Huwebes sa Mayhaligue St., Brgy. 262, Zone 24., Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni Police Colonel Samuel Pabonita, hepe ng District Intelligence Division, ang suspek na si John, 19, ng Mayhaligue St., Sta. Cruz, Maynila.

Base sa report ni Police Major Rommel Reyes Purisima, bandang ala-1:00 ng hapon nang isilbi ang arrest warrant sa suspek na inisyu ni Judge Philip Charles Santos ng Regional Trial Court Branch 45 ng Manila

Pinasalamatan ni MPD Director Police Colonel Arnold Thomas Ibay ang mga pulis dahil sa mapayapang operation.

AUTHOR PROFILE