Knife

Kelot na nagba-bike kinadyot todas

December 3, 2023 Gil Aman 115 views

PATAY ang lalaking naka-bisikleta dahil sa patraydor na pananaksak ng dati niyang kaaway noong Sabado sa Brgy. Sucol, Calamba City, Laguna.

Kinilala ni P/Col. Milany Martirez, hepe ng Calamba police, ang biktima na si Alexander Pascua Moldez.

Nasawi si Moldez dahil sa matinding saksak sa katawan sa J.P. Rizal Hospital, ayon sa report.

Mabilis na tumakas papunta sa Brgy. Pansol ang itinuturong suspek na si Alyas Victor.

Sa report na ipinadala kay Laguna Provincial Director P/Col. Harold Depositar, naganap ang pananaksak dakong alas-7:45 ng umaga.

Nakasakay sa bisikleta si Moldez nang bigla na lang inundayan ng saksak ng suspek ng ilang beses sa katawan kaya sumemplang at namatay, ayon sa report.

Ayon sa imbestigasyon, may alitan ang suspek at biktima dati pa.

Mahaharap sa kasong murder ng suspek sa oras na matimbog.

AUTHOR PROFILE