
Kelot na may arrest warrant, kumukuha ng police clearance, huli
CUYAPO, Nueva Ecija–Imbes na mabigyan ng police clearance, arestado ang isang 32-anyos na lalaki sa bayang ito noong Lunes.
Sinabi ni Lt. Col. Erwin Ferry, hepe ng pulisya, hinuli ng mga warrant operatives ang suspek dahil sa arrest warrant para sa qualified theft.
Sinabi ni Ferry na nakakulong na ang suspek na residente ng 113 Mabini St., District 4.