Default Thumbnail

Kelot mas piniling sumuko kesa arestuhin

November 30, 2023 Steve A. Gosuico 129 views

CABANATUAN CITY–Kusang-loob na sumuko sa mga pulis ang 44-anyos na lalaki sa syudad na ito noong Miyerkules matapos malaman na mayroon siyang arrest warrant para sa acts of lasciviousness.

Sinabi ni Nueva Ecija police provincial information chief Captain Franklin Sindac na residente ng 18th St., Kapitan Pepe Subdivision, Phase 2, Bgy. San Jose Sur, Cabanatuan City and suspek na sumuko dakong alas-9:50 ng umaga.

Nabatid na ipinalabas ang arrest warrant laban sa suspek ng Cabanatuan City Municipal Trial Court Branch 1 noong Nob. 17.

May inirekomendang piyansang P72,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Sinabi ni Sindac na sumuko ang suspek isang araw matapos matanggap ng city police station ang kanyang warrant of arrest.

AUTHOR PROFILE