Default Thumbnail

Kelot, kalaboso sa 2 counts ng ‘rape’

June 6, 2023 Gil Aman 128 views

KAMPO HENERAL PACIANO RIZAL – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang lalaking no. 1 “most wanted person” (MWP) sa city level na may kasong two counts of rape sa isinagawang manhunt operation ng San Pablo police, Hunyo 5, 2023.

Ayon kay Police Colonel Randy G. Silvio, acting provincial director, Laguna PPO (Police Provincial Office), ang akusado na MWP ay residente ng San Pablo City.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Joewie B Lucas, hepe ng San Pablo City Police Station (CPS), nagsagawa ang kanilang warrant personnel ng manhunt operation dakong alas-9:31 ng hapon, Lunes sa Barangay Concepcion, San Pablo City na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek.

Isinagawa ang nasabing operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 7, San Pablo City, Laguna na nilagdaan ni Judge Mila Villavicencio Olan, at nahaharap ang akusado sa kasong two counts ng “rape” na walang inilaang piyansa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pablo CPS ang arestadong akusado samantalang iimpormahan naman ang korteng pinagmulan ng warrant of arrest sa pagkaaresto ng akusado.

Ayon sa pahayag ni Silvio, “Ang Laguna PNP (Philippine National Police) ay patuloy sa pagsasagawa ng mga operasyon laban sa mga nagtatago sa batas upang ang katarungan at hustiya na nais makamtan ng pamilya lalo na ang biktima ay maisakatuparan sa tulong ng Laguna PNP na naghahangad ng serbisyong may katarungan at pantay-pantay sa batas na walang kinikilingan.”

AUTHOR PROFILE