Kelot inatake sa loob ng hotel sa Sta. Cruz patay

October 3, 2022 Jonjon Reyes 162 views

HINDI na umabot ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang isang 49-anyos na lalaki, matapos atakihin habang naghuhubad diumano ng kanyang damit kasama ang isang babae sa loob ng isang hotel sa Sta. Cruz, Maynila, Linggo ng hatinggabi.

Ang biktima ay residente ng Caloocan City.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Rodolfo Acosta III kay Police Lieutenant Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, naganap ang insidente bandang 11:35 ng gabi sa naturang hotel bandang Rizal Avenue sa Sta. Cruz.

Sa imbestigasyon ng pulisya, una nito ay nagcheck-in sa hotel ang biktima kasama ang isang babae.

Habang nasa loob na ng hotel, nagsisimula nang maghubad raw ang biktima pero bigla umano nitong hiningal at sinapo ang kanyang dibdib.

Kaagad naman tinawag ng babae ang isang hotel attendant upang humingi ng tulong at isiugod sa hospital ang biktima.

Nang makasakay ay agad namang bumaba ang hotel attendant at sinabihan ang ang babae na hindi na nila ito sagutin at bahala na siyang magdala sa ospital o JRMMC.

Gayunman ang bangkay ay pansamantalang inilagak sa Cruz Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya.

AUTHOR PROFILE