Posas

Kelot huli sa baril, droga sa Lipa

August 21, 2023 Jojo C. Magsombol 177 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Naaresto ang isang lalaki matapos mahulihan ng ilegal na droga at baril sa isang buy-bust sa Bgy. Banay Banay, Lipa City.

Ayon sa report ni Batangas Police Provincial Director Col. Samson Belgica Belmonte kay Police Regional Office Calabarzon Director Police Brigadier General Carlito M. Gaces, kinilala ang suspek na si alyas Rey, 42, ng Ajoy, Iloilo City at pansamantalang naninirahan sa Bgy. Banay Banay, Lipa City.

Naaresto ang suspek ng magsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga elemento ng Lipa City Police Station (CPS) dakong 4:35 ng hapon.

Huli sa akto ang biktima habang nagbebenta ng shabu sa isang pulis na nagsisilbing poseur buyer kapalit ng P 500 buy bust money.

Narekober rin sa kanya ang isang Cal 45 pistol na baril na may serial number na BB05150, bala, magazine, cellphone at mga plastic sachet na naglalaman ng ilang gramo ng shabu.

AUTHOR PROFILE