Default Thumbnail

Kelot ‘di nag-remit ng benta ng droga, binaunan ng bala

March 29, 2023 Jonjon Reyes 315 views

SA isinagawang follow-up operation ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, lumalabas umano na dahil diumano sa hindi pagreremit ng pinagbentahan umanong droga ay nagwakas ang buhay ng isang 36-anyos na lalaki matapos itong tambangang sa Mel Lopez Boulevard, malapit sa Smokey Mountain sa Tondo, Maynila, Lunes ng hapon.

Martes lang ng umaga, nang tuluyang kinilala ang biktima na pawang residente sa Tondo sa lungsod.

Sa kasaluluyan, patuloy pa ang paghahanap ng testigo sa pagkakakilanlan ng gunman, na tumakas agad matapos pagbabarilin ang biktima.

Ayon sa ulat ni Det. Zoilo Nazario na isinumite kay Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Homicide Section Unit ng MPD, isa sa anggulo na tinitingna ay ang hindi “pag-intrega” ng biktima ng kinita nito sa pagbebenta diumano ng shabu.

Sa inisyal na ulat, 1:30 ng hapon ng ratratin ang biktima sa nasabing lugar sa Tondo nitong Lunes.

Ikinagulat diumano ng mga nagpapatrolyang mga barangay tanod sa lugar ang sunod-sunod na putok ng baril kaya ito rumesponde at saka natuklasan ang duguang bangkay ng biktima.

AUTHOR PROFILE