Default Thumbnail

Kelot dedo sa tarak sa loob ng compshop sa Tondo

March 30, 2023 Jonjon Reyes 195 views

SUNOD-sunod na saksak ang tinamo ng isang 41-anyos na lalaki matapos na patraydor itong tarakan umano, habang abala ito habang nago-online sa isang computer shop, Miyerkules ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Homicide Section Police Captain Dennis Turla, ang biktima ay pawang residente ng Sampaloc Street, Tondo.

Mabilis umano tumakas ang suspek, 31, binata, at residente diumano ng Vitas sa Tondo.

Base sa ulat na Det. Boy Niño Baladjay, bandang alas 10:00 ng gabi nang pasukin ng suspek ang loob ng computer shop at walang habas na pinagsasaksak nito ang nakatalikod na biktima.

Isang saksi ang nagsabi na habang abala mag-online sa computer ang biktima ay biglang na lamang pumasok umano ang suspek at patraydor nitong sinaksak ang biktima.

Nagtulong-tulong ang mga tambay sa lugar para isugod sa Tondo Medical Center ang biktima, subalit dakong 11:30 ng gabi ay idineklara itong “dead on arrival.”

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

AUTHOR PROFILE