Biktima Ang nakahadusay na biktima ng pamamaril habang sinisiyasat ni P/Lt. Dennis Turla, hepe ng MPD Homicide Section. Kuha ni Jon-jon Reyes

Kelot dedo sa pananambang sa Quiapo

December 1, 2022 Jonjon Reyes 158 views

NAKALAYO pa ng may ilang metro bago humandusay at tuluyan ng mawalan nang buhay ang isang 48-anyos na lalaki, nang pagbabarilin ito ng isang hindi pa nakikilang gunman sa Quiapo, Maynila Huwebes ng hapon.

Ang biktima ay tubong Naga City umano at nanunuluyan sa Claro M. Recto Avenue sa Quiapo.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Zoilo Nazario kay P/Lt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section na personal din nagtungo sa crime scene, sinasabing pinagbabaril ang biktima sa Norzagaray St. malapit sa paanan ng Quezon Bridge sa Quiapo.

Tikom naman ang bibig ng ilang mga tao sa lugar matapos makarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril hanggang sa makita nila ang biktima na pasuray-suray at duguan ang katawan nito habang tumatakbo palayo sa suspek.

Pagsapit sa kahabaan ng Bautista St., dito na bumagsak ang biktima.

Agad naman rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng MPD Barbosa Police Station saka kinordon ang lugar.

Gayuman pinag-aaralan na ng pulisya ang mga lugar na may mga nakakabit na mga CCTV (closed-circuit televison) camera upang matukoy ang salarin.

AUTHOR PROFILE