Default Thumbnail

Kelot dedo sa pamamaril sa Nova

December 20, 2022 Melnie Ragasa-limena 225 views

DEAD on the spot ang hindi pa nakikilalang lalaki matapos pagbabarilin sa isang eskinita sa Barangay Sta Monica, Noaliches, Quezon City, Martes ng madaling araw.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Novaliches Police Station 4, bandang 1:35 ng madaling araw (Disyembre 20), nang maganap ang krimen sa harapan ng Tatlong Hari St., Bgy. Sta. Monica Novaliches, Quezon City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni P/Cpl. Jerwin Gregorio, nanonood umano ng telebisyon ang mga nakatira sa nasabing lugar nang makarinig ng putok ng baril sa labas.

Dahil dito ay sinilip umano ng mga residente ang pinanggalingan nang putok ng baril at doon ay nakita nila na duguan nang nakabulagta ang biktima habang tatlong kalalakihan ang mabilis na tumakas.

Nagsasagawa na nang masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at naghahanap na rin ng CCTV (closed-circuit television) camera footage sa pinangyarihan ng krimen upang matukoy ang mga salarin.