Default Thumbnail

Kelot dedo sa pamamaril sa Kyusi

May 31, 2023 Melnie Ragasa-limena 171 views

PINAGHAHANAP na ng pulisya ang dalawang armadong lalaki umano na sakay ng isang van na sinasabing bumaril at nakapatay sa isang lalaki sa Lungsod Quezon nitong Martes ng gabi.

Ang hindi pa nakikilalang biktimang lalaki ay tinatayang nasa 40 taong gulang.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente sa kahabaan ng IBP Road, Barangay Batasan Hills bandang 9:40 ng gabi (Mayo 30).

Sa pahayag ng ilang saksi, dalawang suspek ang bumaba mula sa kulay puting Mitsubishi L-300 van. Isa sa mga suspek ang bumunot ng baril at pinaputukan ang biktima na naglalakad lamang sa nasabing lugar.

Agad na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.