Default Thumbnail

Kelot checkpoint dinedma swak sa selda

July 10, 2023 Edd Reyes 147 views

HIMAS-REHAS ang 40-anyos na helper nang takasan at makipaghabulan sa mga pulis imbes na pumara sa checkpoint noong Linggo ng gabi sa Malabon City.

Inaresto at kinulong si Darwin Felipe, ng 351 Brgy. Maysilo ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 nang takasan ang checkpoint sa Gov. Pascual Avenue.

Nang masukol, nadiskubre na walang liseniya ang Yamaha Mio na minamaneho nito.

Dahil dito, hinabol siya nina Pat. Mark Anthony Barredo at Pat. Joefer Olesco hanggang sa tuluyang masukol sa harap ng isang gasoline station sa Gov. Pascual Avenue.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, kasong paglabag sa Section 56 ng R.A. 4136 o Driving Without License at Article 151 ng Revised Penal Code o ang Resistance and Disobedience to a Person in Authority ang isinampa ni P/SSgt. Bengie Nalogoc sa suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office.

AUTHOR PROFILE