
Kelot binoga sa inuman sa harap ng bahay; suspek naka-BMW, tumakas
ISANG lalake ang pinagbabaril ng di-kilalang salarin habang nakikipag-inuman sa Brixtone Homes, Bgy. Balintawak, Lipa City, Batangas, noong Huwebes.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Lipa City police, bandang alas-12:30 ng madaling araw, December 14, 2023, ang biktima ay nakikipag-inuman sa harap ng kanyang bahay bandang 12:30 ng madaling araw nang biglang dumating ang suspek sakay ng gray na BMW(SMD 516).
Ayon sa mga saksi ay bumaba umano ang suspek at hinarap ang biktima. Narinig ng live-in partner ng biktima ang pagtatalo at lalabas sana ito para pakalmahin ang dalawa nang bigla siyang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril.
Pagkaraan, nakita niya ang biktima na nakasandal sa upuan na may mga tama ng bala sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan habang ang suspek ay tumakas sakay ng BMW patungo sa Lipa City bitbit ang ginamit na armas.
Idineklarang dead on arrival ang biktima sa Ospital ng Lipa ni Dra Patricia Anne Viñas, ang attending physician.