Dizon

Kelot arestado sa patong-patong na kaso

September 18, 2022 Jonjon Reyes 481 views

NAHAHARAP sa tatlong kaso ang isang 25 anyos na binata makaraan itong arestuhin ng mga tauhan ng District Police Intelligence Operation Unit ( DPIOU) ng Manila Police District sa Tondo, Manila, Sabado ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Jerald Pagarao, jobless, ng Magsaysay St.,Barangay 120, Tondo.

Base sa ulat na isinumite ni Police Col. Levi Hope Basillo kay MPD- Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon, bandang 11 p.m. nang maaresto si Pagarao sa panulukan ng Moriones at Dama De Noche sa Barangay 69, Zone 6, sa Tondo.

Pinangunahan ni Police Major Emmark Dave Apostol ng MPD- DPIOU ang pag-aresto sa suspek.

Isinilbi kay Pagarao ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Mariesther Vedaña , Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 48 ng Manila na may petsang Mayo 22, 2022, dahil sa paglabag umano sa Sec 5(a) ng Republic Act 9262 (2 Counts), Sec 5(i) ng R.A. 9262 (2 Counts), Sec 10(a) ng R.A. 7610.

Aabot P154,000 ang piyansa na inilaan ng korte para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Ang pag-aresto sa suspek ay bahagi ng pinairal na “Manhunt Charlie” na kampanya laban sa mga wanted persons ng MPD.

AUTHOR PROFILE