Kelot, 20, arestado sa gahasa ng menor de edad
ARESTADO ang isang 20-anyos na lalaki sa kasong statutory rape sa isang menor de edad sa Antipolo City.
Kulong ang suspek na most wanted sa Calabarzon matapos maaresto sa Brgy. Calawis dakong alas 3:17 araw ng Martes ng tauhan ng Antipolo police.
Base sa report ni PCol. Felipe B Maraggun, provincial director, naaresto sa bisa ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court para sa kasong Statutory Rape ang suspek na kapitbahay umano ng biktima.
Walang nirerkomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado na kinilalang si Alyas Lan, at nakatira sa naturang lugar.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ginahasa umano ng suspek ang menor de edad,
Naireport agad ng biktima ang insidente at naaresto ang suspek.ang nobya nito na menor de edad nitong taon lamang. Kasalukuyang nasa Antipolo Custodial Facility ang akusado para sa tamang disposisyon at pagproseso ng kaso.
“Magpapatuloy ang laban sa mga wanted person at hindi titigil ang kapulisan ng Rizal PNP sa pagsugpo ng krimen na sumisira sa seguridad, kapayapaan at kaayusan sa probinsya,” ani PCol. Maraggun.