Default Thumbnail

Kelot, 17, tumalon, nilamon ng Ilog Pasig

July 6, 2023 Jonjon Reyes 398 views

PATULOY ang isinasagawang retrieval operation ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa isang 17-anyos na binatilyo na tumalon umano sa Ilog Pasig mula sa Binondo- Intramuros Bridge Miyerkoles ng gabi.

Agad ipinagbigay alam ng PCG ang insidente sa tanggapan ni Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz na nag-utos sa Intramuros Police Community Precinct na magsagawa ng imbestigasyon base sa mga kuha Ng CCTV sa nasabing lugar.

Ang nasabing binatilyo ay nakilalang bilang Justin, ng Tondo, Manila.

Base sa ulat ni Police Captain Anthony Abundo, hepe ng Intramuros PCP, bandang 9:20 p.m. nang maganap ang insidente.

Agad nagsagawa ng retrieval operation ang mga tauhan ng PCG.

AUTHOR PROFILE