Alexa Larawan mula sa IG/Alexa Ilacad

KD todo alaga kay Alexa

February 23, 2024 People's Tonight 91 views

TILA nilanggam ang netizens sa matamis na kuwento ng aktres na si Alexa Ilacad kung gaano ka-gentleman ang singer-actor na si KD Estrada.

Sa Instagram page ng ‘Pira-Pirasong Paraiso’ actress, nag-alay siya ng isang appreciation post kay KD.

“Appreciation post for the best travel buddy, human calculator, navigator, masterchef, gift-giver, listener, problem-solver, and just the best guy in general,” sey ni Alexa.

Ibinahagi rin ni Alexa ang kuwento sa likod ng larawan ni KD na may hawak na bulaklak na makikita sa nasabing post.

Ayon sa kanya, ibinigay ito ni KD sa kanya nang magpunta sila sa concert ni Taylor Swift sa Japan.

“It was my Eras Tour day & he knew how nervous, pre-occupied and excited I was. So as I was getting ready, he surprised me by packing my backpack with onigiris, heat packs & got me flowers just because,” pahayag ng aktres.

“While I was watching the show, he fell in line for merch and surprised me with hoodies coz he knew i’d be cold,” saad pa niya.

“I swear I was an independent woman until you came along. What have you done Kidding aside, i just wanna say thank you,” wika pa niya kay KD.

Nagbigay komento rin ang singer-actor sa nasabing post ni Alexa.

“Always for you,” sey ni KD.

Kilig overload naman ang netizens sa pag-aalaga ni KD kay Alexa.

“Strong independent woman pero tiklop sa princess treatment.”

“ALEXA ILACAD ANG PINAGPALA SA BABAENG LAHAT.”

“Ang sweet naman talaga nitong dalawang to e.”

“So sweet. You deserve each other.”

AUTHOR PROFILE