Pau

KC sa ex-BF: I hate you!

February 3, 2022 Vinia Vivar 237 views

Sa kanyang latest vlog ay ipinakita ni KC Concepcion ang kanyang mga collection in her dining room sa kanyang bahay dito sa Pilipinas na tinawag niyang Casa Kristina.

Ang mga koleksyong ito (na mostly ay tea cups) ay nasa isang eleganteng golden shelf ang mga ito na talaga namang napaka-sosyal tingnan.

Sey ni KC, ang dining room niya ang kanyang favorite part of the house na dinisenyo ng mga kaibigan niyang interior designer na sina Cynthia and Ivy Almario.

Sa vlog niyang may titulong My Favorite Room in the House may mga question na may kinalaman sa mga memory niya sa items sa shelf.

Isa sa mga tanong ay kung ano ang items sa shelf na gusto niyang basagin o sirain pero hindi niya magawa.

Kinuha ni KC ang isang white coffee mug with gold design and revealed na bigay daw ito ng kanyang ex-boyfriend.

She explained kung bakit hindi niya ito magawang basagin. “Because you should always honor your past.”

Biro pa niya, “Naiyak na me! Charot!”

Bagama’t hindi niya binanggit kung sino, natatawang mensahe niya sa ex-bf, “Hi, you know who you are. I hate you!”

Hirit pa niyang paliwanag, “By the way, I love gold and I love white. So, that’s why I decided to keep it in my collection.”

Sa comment section ay may humulang marahil daw ay galing kay Paulo Avelino ang mug.

“I’m pretty sure the mug is from Paulo Avelino. Paulo was a thoughtful one, who gave her gifts even the simplest ones. Also, they both love coffee and skulls. It seems to me that they remained friends after because I saw Pau answered a Q&A recently that KC and him still talk. Hope they get to work together again,” komento ng isang netizen.

AUTHOR PROFILE