KC sa b-day ni Sharon: I love you always, no matter what
MATAMIS ang naging pagbati ni KC Concepcion sa 55th birthday ng inang si Megastar Sharon Cuneta kahapon.
Nag-post ng old baby photo si KC na karga-karga ni Sharon. Caption niya rito, “January 6th has always been a special day. Happy birthday to the Queen! My first best friend, my first valentine, my only mama. May your day be filled with joy, laughter and love. I love you always, and no matter what.”
Ang co-star naman ni Sharon sa FPJ’s Ang Probinsyano na si Coco Martin, picture nilang magkayapos ang ipinost sa IG sabay sabing, “Happy Birthday po, Megastar Ms @reallysharoncuneta !!!
Mahal na mahal ko po kayo at mag-iingat po kayo palagi! I love you!!!”