KC Mga larawan mula sa Instagram/@kristinaconcepcion at @concepciongabby

KC Concepcion ‘mixed emotions’ sa concert reunion nina Sharon, Gabby

August 24, 2023 People's Tonight 220 views

NAGBIGAY komento ang aktres na si KC Concepcion sa nararamdaman niya sa gaganaping concert reunion ng kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Sinagot ng aktres ang sa isang panayam sa press conference ng kanyang upcoming movie na “Asian Persuasion” ang tanong kung anong reaksyon niya sa gaganaping concert ng kanyang mga magulang.

Ayon kay KC “mixed emotions” ang nararamdaman niya. Saad pa ng aktres na pangarap niyang makita sina Sharon at Gabby na masaya bilang magkaibigan.

“Guys alam nyo, ako lang ang anak nila. So I don’t think na nararamdaman ng iba yung nararamdaman ko about this reunion. Kasi mixed emotions siya,” pahayag ni KC.

“But of course, nananaig ‘yung happiness ko na, alam nyo pangarap ko kasing makita yung parents ko na masaya na nag-uusap, nagtawanan, magkasundo, magkaibigan,” saad pa ng aktres.

“So hopefully, guys, pag-pray nating lahat na ito na yung start talaga ng friendship nila,” dagdag pa niya.

Nilinaw naman niya sa ibinigay niyang sagot na hindi naman siya umaasa o nagnanais na magbabalikan ang dalawa “romantically.”

Masaya raw si KC sa reunion project na ito ng kanyang mga magulang dahil nagkaroon ang dalawa upang maging magkaibigan muli.

Ipinaliwanag din ng aktres kung bakit siya mangiyak-ngiyak sa panayam at sinabing, “I always say, para sa lahat, it’s a show. Pero para sa ‘kin, guys, totoong buhay ko ‘to.”

AUTHOR PROFILE