Katutubong suspek sa panghahalay timbog
KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Arestado noong Linggo ng mga otoridad ang isang katutubo dahil sa panghahalay sa Brgy. Mataas Na Lupa, Lipa City, Batangas.
Kinilala ni Police Major Dave Alex R. Mercado, ng Batangas police PIO (Public Information Office), ang akusado na 25-anyos, binata, utility worker at residente ng Brgy. San Carlos, Lipa City, Batangas.
Inaresto ang suspek ng Lipa police CPS kasama ang 402nd Maneuver Company, 403rd Maneuver Company at SOU3 Maritime Group bandang alas-5:55 ng hapon.
Natimbog ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa Crime of Expanded Anti Trafficking in Person Act of 2012 and Rape na inisyu ng Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 2, ng Lipa City, Batangas.
May inerekomendang P200,000 na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.