Kathryn Mga larawan mula sa IG/@bernardokath

Kathryn surrender sa ‘mini-me’ niya

October 12, 2023 People's Tonight 171 views

IBINIDA ng aktres na si Kathryn Bernardo ang mga larawan ng isang batang babae na ginagaya ang kanyang mga sinuot na gown sa Seoul Drama Awards at ABS-CBN Ball 2023.

Sa kanyang Instagram page nitong Miyerkules, Oktubre 11, ibinahagi ng “A Very Good Girl” star ang larawan ni Eunice na todo sa pag-awra habang ginagaya ang aktres.

Sey pa nga ni Kathryn na mas magaling pa raw ang bagets kaysa sa kanya. Gusto rin daw niyang makita sa personal si Eunice.

“I surrender! I think she did it better!” pahayag ng aktres.

“I hope to meet you soon, bb eunice!!” dagdag pa niya.

Nakyutan din sa panggagaya ng bata ang iba pang celebrities.

“Omg this is too cute!!!!” komento ng aktres na si Iza Calzado.

“Ang cuteeee!!!” sey naman ni Sylvia Sanchez.

“Sobrang cute,” hirit pa ng celebrity mom na si Camille Prats.

AUTHOR PROFILE