Kathryn Mga larawan mula sa Instagram/@bernardokath

Kathryn super sexy sa OOTD!

August 7, 2023 People's Tonight 289 views

HINDI nagpakabog pagdating sa kanyang outfit of the day (OOTD) ang Asia’s Superstar at award-winning actress na si Kathryn Bernardo habang nasa Bali, Indonesia.

Sa Instagram post ng aktres, ibinida niya ang kanyang sexy body. Pinasalamatan naman niya ang taong nasa likod ng camera na kumuha ng kanyang mga larawan at tinawag pa nga itong “sungit photographer” at isinama pa ang stolen shot nito sa mismong post.

“Someone’s getting the hang of taking my ootds!” pahayag ni Kathryn sa caption ng kanyang post.

“tysm [thank you so much] to my sungit photographer (swipe left for the photog reveal!),” dagdag pa ng aktres sa caption.

Ang nobyo at aktor na si Daniel Padilla ang tinutukoy ng aktres na “sungit photographer” sa kanyang caption.

Kinagiliwan naman sa comment section ang post ni Kathryn. May mga nag-comment ng laughing emojis, at fire emojis bilang papuri sa ganda ng aktres.

Narito ang ilang comment sa kanyang post:

“She blooms,” ani Bernadette Sembrano-Aguinaldo.

Komento naman ni wedding photographer Pat Dy, “soooo fab!”

“always sungit,” pahayag ng younger sister ni Daniel na si Magui Ford.

AUTHOR PROFILE