Kathryn Larawan mula sa IG/@bernardokath

Kathryn ‘no looking back, moving forward’ na

December 16, 2023 People's Tonight 191 views

NO looking back, only moving forward,”

Iyan ang naging pahayag ng aktres na si Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram page nitong Biyernes, Disyembre 15.

Ibinahagi ng ‘A Very Good Girl’ ang mga larawan ng kanyang sweet little moments sa nagdaang mga linggo ng kanyang buhay.

“Appreciation post for the little things that have been making me smile the past few weeks…” sey ni Kathryn.

Mabilis namang pinusuan ng netizens at ilang personalities ang nasabing post ng aktres.

“Yes to MOVING FORWARD!”

“You’re in the right path.”

“Only great things to come! Excited for you.”

“Excited for you! You deserve the best!”

Kamakailan lamang ay usap-usapan sa social media sa biglaang paglaho ng breakup message ng aktor na si Daniel Padilla para sa kanyang dating nobya na si Kathryn.

“Ikaw at ako,” caption na ipinalit ni Daniel sa kanyang breakup message.

Mabilis namang inurirat ng mga netizens ang nasabing pagbabago sa caption at iniugnay nila sa posibilidad na baka magbalikan at may chance pa para sa isa’t isa ang KathNiel.

Matatandaang niyanig ni Kathryn ang buong social media matapos niyang ianunsyo ang paghihiwalayan nilang dalawa ng kanyang dating nobyo na si Daniel Padilla.

AUTHOR PROFILE