Kathryn natupad bucket list sa Korea
SINULIT ng Asia’s Superstar at award-winning actress na si Kathryn Bernardo ang kanyang pagbisita sa South Korea.
Sa Instagram page ng aktres nitong Biyernes, Setyembre 22, ibinahagi niya ang ilang larawan ng pagbisita niya sa Myeongdong sa Seoul, kabisera ng South Korea.
Ilan nga sa travel bucket list sa nasabing bansa ang nagawa ni Kathryn dahil na-delay umano ang paglipad niya pabalik ng Pilipinas. Nagawa pa nga niyang makapagpagupit at makapagpakulay ng buhok.
“Flight got delayed so might as well tick these off my korea travel bucket list: [check] haircut, [check] hair color,” sey ni Kathryn sa caption ng kanyang post.
Kamakailan lamang ay pinarangalan ang aktres sa ginanap na Seoul International Drama Awards (SDA) 2023 bilang “Outstanding Asian Star” na siyang pangunahing dahilan kung bakit bumisita si Kathryn sa South Korea.