Kathryn naka-move on na, may hit movie pa
PATULOY na gumagawa ng kasaysayan sa box office ang pelikulang “Hello, Love, Again” ang reunion movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na muling pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Sampana who is out there to reclaim her throne. Ito’y sequel sa una nilang pelikulang pinagtambalan nung 2019, ang “Hello, Love, Goodbye” na may unang hawak ng record-breaking Filipino movie of all time simula nung 2019 pero ito’y nalagpasan ng naitalang record ng pelikulang “Rewind” ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na pinamahalaan naman ni Mae Cruz-Alviar at joint project ng Star Cinema, ang film company ng ABS-CBN and AgostoDos Picutures ni Dingdong.
Palabas ang HLA in about 700 theaters nationwide na kumita na ng P245-M sa 3-day showing pa lamang nito mula last Wednesday, November 13 to Friday, November 15. Tiyak na mas malaki ang gross receipts ng movie nitong nakaraang Sabado at sa araw ng Linggo dahil walang pasok sa school at mga tanggapan. Ito’y bukod pa sa sunud-sunod na international screenings sa iba’t ibang bansa including USA and Canada among others.
Ang “Hello, Love, Again” ay joint venture ng Star Cinema ng ABS-CBN at GMA Pictures ng GMA.
Kung ang unang tambalan nina Kathryn at Alden na “Hello, Love, Goodbye” ay humamig ng P880M (including international screenings)nung 2019 at P889M naman ang kinita ng “Rewind” nina Dingdong at Marian sa 2023 Metro Manila Film Festival at sa extended run plus international screenings, mukhang hindi ito malayong maabot o di kaya malampasan ng HLA na inaasahang makakapagtala ng bagong box office record sa Philippine cinema.
Kung nagpakita ng sipag sina Kathryn at Alden sa promo ng kanilang bagong movie, ginagawa rin nila ito sa kanilang pagdalo sa iba’t ibang international screenings ng pelikula.
Masuwerte sina Kathryn at Alden dahil parehong pumalo sa takilya ang kanilang magkahiwalay na pelikula nung isang taon, ang “A Very Good Girl” ni Kathryn with Dolly de Leon at ang “Five Breakups and a Romance” ni Alden with Julia Montes.
Tiyak na masaya ang GMA Pictures sa kanilang pakikipag-alyansa sa Star Cinema ng ABS-CBN dahil ngayon lamang sila nakaranas ng ganito kalakas na pelikula sa box office. Si Kathryn ay isa sa prime stars ng ABS-CBN habang si Alden ay isa naman sa prized stars ng Kapuso network.
Maganda rin sigurong pag-isipan ng dalawang TV networks na pagsamahin ang dalawa sa isang TV series which they will co-produce as well para may continuity ang tambalan ng dalawa or gawan na ng follow-up movie project ang dalawa for 2025 release.
Samantala, ano kaya ang pakiramdam ngayon ng ex-boyfriend ni Kathryn na si Daniel Padilla na lumalalim na ang pagkakaibigan nina Kathryn at Alden? Nakakaramdam kaya siya ng selos at panghihinayang na hindi niya inalagaan ang kanilang relasyon? Pero sa pagkakataong ito ay hindi na mahalaga kung ano ang nararamdaman ngayon ng Kapamilya heartthrob dahil mukhang nakapag-move on na si Kathryn sa kanilang almost one-year break-up.
Sahara makulay ang buhay
ANG 21-year-old VMX sexy star na si Sahara Bernales ang pangunahing bituin ng bagong offering ng VMX, ang “Maryang Palad,” her second project with Director Roe Pajemna. Ang dalawa ay unang nagkatrabaho sa pelikulang “Katas”.
Kabituin ni Sahara sa “Maryang Palad” si Vince Rillon.
Kahit baguhan pa lamang si Sahara sa paggawa ng mga sexy movies for VMX ay nakagawa na ito ng sampung pelikula tulad ng “Hibang,” “Himas,” “Malikot,” “Salakab,” “Halo-halo X,” “Throuple,” “Maryang Palad” at “Mama’s Boy”.
Tulad ng mga pelikulang kanyang ginagawa, masyadong makulay ang buhay ni Sahara who is 25% aeta (from her mother side) at transwoman naman ang kanyang ama.
Ayon kay Sahara, anim umano silang magkakapatid (sa kanyang parents) habang may dalawa pang anak ang kanyang ama sa ibang babae na ang bunso ay kasama umano nila sa bahay. Ang paternal grandfather ni Sahara ay may 20 anak sa magkakaibang babae.
Nung hindi pa mag-asawa ang kanyang parents (Romeo and Alma) ay nag-aayos at nagdadamit babae ang kanyang ama na may-ari ng isang beauty parlor at meron umano itong nobyo noon.
Nang ma-heartbroken ang ama ni Sahara, nagpakalbo umano ito at nagsimulang magbihis-lalake although naroon pa rin ang kembot nito kapag naglalakad at mahilig pa rin umano itong magsuot ng short-shorts tulad ng isang babae.
Ang ina ni Sahara na si Alma ang nanligaw sa kanyang ama na nauwi sa kanilang pagpapakasal. Ang mag-asawa ay nagkaroon ng anim na anak at pangalawa umano siya sa kanilang anak na anak na may apat na babae and two boys.
Dati umanong OFW sa Middle East ang kanyang inang si Alma pero nag-desisyon umano itong umuwi para maalagaan silang magkakapatid.
Dahil kilala umano sa kanilang lugar sa Pampanga ang kanyang ama, wala umanong nambu-bully sa kanilang magkakapatid sa school dahil tiyak na susugurin sila ng kanyang father.
Kapag may mga modeling stints si Saraha ay ang kanyang ama ang nagmi-make-up at nag-aayos sa kanya.
Even at a young age ay mahilig na si Sahara mag-model. Sumali rin siya sa Cosmo Manila nung 2022. Hindi nagtagal ay nakilala niya ang kanyang manager ngayon na si Jojo Veloso na siyang nagdala sa kanya sa tanggapan ng Viva big boss na si Boss Vic del Rosario who signed her up immediately to a five-year-contract with VAA. Sa loob lamang ng mahigit isang taon ay nakasampung pelikula na siya.
Very supportive umano sa kanyang showbiz career ang kanyang parents kahit nagpapa-seksi siya sa kanyang mga pelikula.
Alamat sumusunod sa SB19
IT’S about time na sariling atin naman ang ating tangkilikin tulad na lamang ng pagkakagulo ng mga Pinoy fans sa mga K-Pop, K-movies and K-drama stars and artists.
Kung gumagawa ng pangalan hindi lamang sa South Korean ang mga K-Pop stars kundi maging sa ibang bansa particularly ang Pilipinas, unti-unti namang nakakapag-develop ang ating bansa ng sarili nating P-Pop groups na ang marami sa kanila ay sikat na sikat na tulad ng SB19, BINI at iba pa.
Unknown to many, may 24 or more P-Pop groups na meron ang Pilipinas, bukod sa SB19 and BINI, nariyan din ang BGYO, Alamat, Calista, Daydream, Dione, G22, Horizon, HYV, LITZ, KAIA, MNL48, PPop Generation, Press Hit Play, R Rules, ER5US, VXON, XOXO, YARA, Yes My Love, YGIG at iba pa. Ang mga ito ay either all-boy group o di kaya all-girl group.
Gumagawa na rin ng sariling tatak ang all-boy group na Alamat ng Viva na binubuo ng anim na male members na sina Taneo, Mo, Tomas, R-ji, Alas at Jao na siyang pinakabata sa kanila.
Masusubukan ang lakas ng grupo sa kanilang debut concert na pinamagatang “Ragasa” at the New Frontier Theater sa darating na December 6, 2024 at 8 p.m.
Kung Blooms ang tawag sa mga fans and supporters ng BINI, Magiliw naman ang sa Alamat.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook and X@aster_amoyo.