Kathniel2 Larawan mula sa IG/@bernardokath

Kathryn matigas na puso; iyak ni Daniel dinedma — Cristy Fermin

December 7, 2023 People's Tonight 240 views

ILANG beses umanong sinubukang suyuin ng aktor na si Daniel Padilla ang kanyang dating nobya na si Kathryn Bernardo, ngunit matigas na raw ang puso ng ‘A Very Good Girl’ actress ayon sa showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Sa online show na ‘Showbiz Now Na,’ may nakalap daw na impormasyon ang beteranang kolumnista sa kanyang source na Setyembre pa lamang daw ay hiwalay na ang KathNiel at makailang beses daw umanong umiyak si Daniel para magmakaawa kay Kathryn na balikan siya nito.

“September, si Daniel pabalik-balik daw na umiiyak, bumabalik kay Kathryn pero matigas na ang puso ni Kathryn Bernardo,” sey ni Cristy.

Saad pa ng kolumnista, hindi na raw kinaya ng aktres ang mga nababalitaan nito tungkol sa kanyang dating nobyo.

“Dahil ang dami-dami nang nakakarating sa kanyang mga kuwento na ang iba ay dinismis niya sa kanyang isip at puso, pero ‘yung iba, pinahalagahan niya,” wika ng showbiz columnist.

Sey pa niya ay itinago lang daw muna ni Kathryn ang hiwalayan nila ni Daniel mula sa kanyang mga magulang.

“Hindi naman alam ng mga magulang ni Kathryn ang nangyayari. Hindi nagsasabi si Kathryn. Napansin na lang daw ni Tita Min at saka ng father niya na hindi halos makakain. Laging malungkot tapos nakita ng mommy na umiiyak. Naka-relate ‘yung ina, may problema,” pahayag ni Cristy.

“Doon na bumigay si Kathryn. First time na nagsabi sa kanyang ina,” kuwento pa niya.

Ayon pa kay Cristy, naniniwala raw siyang gustong protektahan ni Kathryn ang imahe ni Daniel kaya hindi agad ipinaalam ang kanilang breakup sa mga magulang nito.

“Ganoon naman talaga e, ‘di ba kapag meron tayong karelasyon, pilit nating pinagaganda ang imahe? Best foot forward, ‘ika nga,” aniya pa.

AUTHOR PROFILE