Kathryn Kathryn Bernardo at Mayor Mark Alcala

Kathryn di raw ginagamit ni Lucena City Mayor Mark Alcala

March 10, 2025 Eugene E. Asis 274 views

MARAMING fans ang nagduda nang biglang na-link ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa debonair mayor ng Lucena City na si Mayor Mark Alcala.

Baka raw ginagamit lamang ito ng mayor para sa kanyang political gain dahil lumabas ang tsismis bago sumapit ang eleksyon.

Ito ang pinag-uusapan na diumano’y ikinasama ng loob ng mga KathNiel fans dahil akala nila’y totoo na nga ang balitang magkakabalikan na sina Kathryn at ex boyfriend nitong si Daniel Padilla.

Masama rin a ng loob ng Kathden fans dahil akala nila’y totoo nang nagkakamabutihan sina Kathryn at Alden Richards. Pero pagkatapos nga ng init sa takilya ng ‘Hello, Love, Again’ ay lumamig naman ang balita sa kanilang diumano’y relasyon sa totoong buhay. Tanong nga ng ilang observers, kailan daw ba nag-prosper ang lovelife ni Alden?

Ayon nga sa showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz, magkarelasyon na raw sina Kathryn at Mark.

“Ang sabi sa akin ng aking source […] it’s either November or December [naging sila]. E, no’ng November 13 ipinalabas ‘yong ‘Hello, Love, Again,’” lahad ni Ogie.

Pero wala naman daw kumpirmasyon ito. May nagsabi nga na baka ginagamit lang ng Lucena City mayor si Kathryn. Pero sa totoo lang, ayon sa marami naming kababayan sa Lucena, hindi na kailangang gumamit si Mayor Mark ng kung sinuman dahil unopposed daw ito sa tinatakbuhang posisyon.

Kung matatandaan, si Mayor Mark ang ex-boyfriend ng magandang GMA actress na si Ashley Ortega.

So, ano ba ang totoo, Mayor Mark?

AUTHOR PROFILE