Alden

Kathryn at Alden sabay na dumating mula Canada

August 30, 2024 Aster Amoyo 193 views

Alden1Alden2MARAMI ang naniniwala na may special nang relasyon ang lead stars ng “Hello, Love, Again” na sina Kathryn Bernardo (28) at Alden Richard (32) kung pagbabasehan ang closeness nung dalawa na nagsimula sa pagdalo ni Alden sa birthday celebration ni Kathryn sa Palawan followed by another celebration in Manila. Usap-usapan na may espesyal na pagkakaibigan na ang dalawa na nagsimula sa kanilang monster hit movie na “Hello, Love, Goodbye” in 2019, making the movie the biggest grossing local movie for a period of time hanggang sa ito’y ma-outgross ng “Rewind” ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na naging kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival na siyang may hawak ngayon ng `highest grossing Filipino film of all time’.

Dahil sa pagkaka-link kina Kathryn at Alden, napadali ang kanilang reunion movie sa pamamagitan ng sequel sa kanilang 2019 mega hit movie na “Hello, Love, Goodbye” at dito nabuo ang “Hello, Love, Again” na pinamahalaan pa rin ng box office director na si Cathy Garcia-Sampana but this time ay joint production na ito ng Star Cinema, ang film outfit ng ABS-CBN at ang GMA Pictures ng GMA.

Sa announcement pa lamang ng reunion movie ang dalawa ay kasama na rito ang playdate which is November 13, 2024 bago pa man ang 50th Metro Manila Film Festival.

Marami rin ang nagtaka kung bakit hindi isinumite ang “Hello, Love, Again” movie bilang entry sa golden anniversary ng MMFF at kaya umano nitong pantayan kung hindi man lagpasan ang naitalang record ng “Rewind” ng celebrity couple na sina Dingdong at Marian.

Samantala, tapos na ang filming ng pelikula sa Canada at nakabalik na sa Pilipinas ang bumubuo ng cast at sabay na dumating sa NAIA sina Kathryn at Alden. Pero pinauna muna ni Alden na sumakay sa kanyang van si Kathryn. Nagkakuwentuhan pa sandali ang dalawa at matagal na nagyakapan bago sila naghiwalay. Sa mga naka-witness sa sweetness na ipinakita ng dalawa sa NAIA upon their arrival, marami ang nagsabi na mukhang may `something’ na ang dalawa. At kung saka-sakaling ito’y totoo, wala namang magiging problema dahil pareho naman silang single. Mag-iisang taon nang hiwalay si Kathryn sa dating nobyo (of 11 years) na si Daniel Padilla at matagal na ring walang girlfriend si Alden na para pang hinintay lamang si Kathryn.

Kung saka-sakaling sina Kathryn at Alden ang magkakatuluyan sa tunay na buhay, swak sila sa isa’t isa dahil bukod sa pareho silang family-oriented, pareho rin silang successful sa kanilang respective careers maging sa kanilang pagiging matagumpany entrepreneur. Pareho rin silang may tig-tatlong kapatid – two boys and two girls. Ang kaibahan lamang ay pumanaw na ang ina ni Alden na si Gng. Rosario Reyes-Faulkerson bago pa man natupad ang mga pangarap nito sa kanyang anak.

Kung katapusan na ng KathNiel nang magkahiwalay ang dating magkasintahang sina Kathryn at Daniel, mukhang panahon naman ngayon ng KathDen nina Kathryn at Alden (who is Richard Reyes Faulkerson, Jr. in real life).

Mga ‘anak’ nina Coco at Julia ‘di pa inilalantad

Julia1BUKAS na sa publiko ang pag-iibigan nina Coco Martin (Rodel Nacianceno) -42 at Julia Montes (Mara Hautea Schnittka) – 29, na abot na ng mahigit 12 taon. Pero hanggang ngayon, hindi pa sini-share ng longtime partners ang sinasabing anak (o mga anak) nila.

Matagal na ring inaabangan ng kanilang mga tagahanga kung kelan magpu-propose si Coco kay Julia at kung kelan sila magpapakasal.

Sa darating na November 1 ay 43 years old na si Coco habang si Julia naman is turning 30 on March 19 sa susunod na taon.

Kahit kelan ay hindi naging issue kina Coco at Julia ang malaking age gap (13 years).

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Spain ang dalawa.

Relasyon nina Janine at Jericho ‘di na itinatago

EchoHINDI na maikakaila ang espesyal na relasyon ngayon ng dalawang co-lead stars ni Jodi Sta. Maria sa bago nilang teleserye na “Lavender Fields” na sina Jericho Rosales (44) at Janine Gutierrez (34). Ang dalawa ay nagka-debelopan sa simula pa lamang ng taping ng bago nilang serye, their first together.

Madalas na umanong magkasama ang dalawa ngayon sa mga kalakaran at kasama na rito ang recent birthday celebration ng maternal grandmother ni Janine, ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales kung saan nagpaunlak ng song number ang Kapamilya singer-actor.

Kasalukuyang nasa Venice, Italy si Janine kung saan nasa out-of-competition ang pelikulang “Phantosmia” na tinatampukan nila ni Ronnie Lazaro at pinamahalaan ng premyadong director na si Lav Diaz.

Super enjoy umano ang Kapamilya singer-actress at host dahil first time siyang nakadalo sa Venice International Film Festival na dinaluhan din ng maraming Hollywood greats at ibang mga kilalang personalidad mula sa iba’t ibang bansa.

Kinu-consider ng award-winning actress na one of the firsts and dream come true ang ginawa niyang pagdalo sa 81st Venice Film Festival .

Ang pelikulang “Phantosmia” ay nakatakdang i-screen sa Venice Film Festival on September 2, 2024 na nagsimula nung August 28 at magtatapos on September 7, 2024 na siyang awards ceremony.

Samantala, malaki ang hawig ni Janine sa kanyang maternal grandmother, ang kanyang mamita na si Pilita Corrales when they were of same age.

Si Janine ay panganay na anak ng actor na si Ramon `Monching’ Christopher Gutierrez sa ex-wife na nitong actress na si Lotlot de Leon.

Kumpirmado na, relasyon ni Kate kay Fumiya

PicPic1KINUMPIRMA na ng Kapuso actress na si Kate Valdez na boyfriend na niya ang Japanese vlogger, singer, actor-comedian at ex-PBB housemate na si Fumiya Sankai. Ito’y matapos silang maispatang magkasama sa Hong Kong Disneyland to celebrate the actress’ 24th birthday.

Tinanong umano siya (Kate) ni Fumiya kung ano ang gusto nito sa kanyang birthday at sinagot niya na gusto umano niyang makapamasyal sa HK Disneyland na tinupad naman ng Japanese vlogger who admits na isa umano siyang Hapon na may pusong Pinoy.

Mas gusto pa ni Fumiya na mag-stay sa Pilipinas kesa sa Japan.

Na-embrace na rin ni Fumiya ang Filipino culture at marami na siyang mga kaibigang Filipino at nagi-enjoy umano siya sa pamamasyal sa magagandang lugar sa Pilipinas. Makailang beses na rin niyang pinapunta sa Pilipinas ang kanyang parents at kapatid nang maintindihan din nila kung bakit gustong-gusto niyang mamirmihan sa bansa.

Kate was in a relationship before with her co-Sparkle artist na si Yasser Marta pero sila’y nagkahiwalay nung isang taon.

Mark Anthony at anak na si Grae magandang pagsamahin sa isang project

MarkGraeSANA’Y may TV or movie producer na makaisip ng proyekto na pagsasamahan ng mag-amang Mark Anthony Fernandez at Grae Fernandez.

Si Grae (22) ay anak ni Mark Anthony sa kanyang ex-wife na si Melissa Garcia-Fernandez.

Tulad ni Mark Anthony, isang mahusay na actor si Grae na panganay na apo ng namayapang action star na si Rudy Fernandez. Si Mark ay anak ni Daboy (Rudy) sa actress-politician na si Alma Moreno.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@astermoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE