Alden

Kathryn at Alden malalim na ang relasyon

November 27, 2024 Aster Amoyo 101 views

Alden1MARAMI ang naniniwala (including this writer) na may unawaan na sa isa’t isa sina Kathryn Bernardo at Alden Richards kung ang mga kilos ng dalawa ang pagbabasehan at ang pag-amin ng Kapuso prized actor ng kanyang espesyal na pagtingin sa Kapamilya star.

Sa panayam ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang “Fast Talk with Boy Abunda” kay Alden ay inamin ng actor na malalim na umano ang kanilang pagkakaibigan ng kanyang co-star sa pelikulang “Hello, Love, Again” na patuloy na gumagawa ng kasaysayan sa box office hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Inamin ng actor na mas nakilala umano nila ang isa’t isa nang gawin niya ang HLA sa Canada. Hindi din ikinakaila ni Tisoy (Alden) na dumadalaw na rin umano siya kay Kathryn sa bahay nito kung saan niya lalong na-discover ang magandang pamilya nito.

Todo bigay si Kathryn sa kanilang kissing scenes ni Alden sa pelikulang “Hello, Love, Again” na first time ginawa ng actress in all her movies.

Sa darating na Sabado, November 30 ay unang anibersaryo ng formal break-up nina Kathryn at dati nitong nobyo (of 11 years) na si Daniel Padilla at bago dumating ang araw na ito ay may special someone na ang Kapamilya star sa katauhan ni Alden.

Tiyak na magiging maganda ang Christmas celebration nina Kathryn at Alden hindi lamang dahil sa enormous success ng kanilang reunion movie, ang “Hello, Love, Again” kundi ang kanilang new-found love sa isa’t isa.

Samantala, natutuwa ang marami na muling makita sa big screen sina Ruby Rodriguez at Jobert Austria sa pelikulang “Hello, Love, Again”.

Si Ruby ay sa Los Angeles, California, USA na naka-base habang sa Canada naman si Jobert with his new family.

As of Saturday, November 3, 2024, kumita na ang HLA ng P1.06B sa kanyang worldwide release. Nung November 18 ay kumita ang pelikula ng P670M, November 19 ng P743M at nung November 22 ay P930M naman ang kinita ng pelikula. Mahirap na sigurong tibagin ang box office record na naitala ng HLA, ang kauna-unahang Filipino film na umabot ng ganitong magnitude worldwide.

Ellie tinedyer na

EllieEllie1ISA nang ganap na tinedyer ang kaisa-isang anak ng dating magkasintahang Andi Eigenmann at Jake Ejercito na si Ellie Eigenmann (Adrianna Gabrielle Eigenmann) who just turned 13 last November 13.

Kahit may kani-kanya nang buhay ngayon sina Andi at Jake, maganda ang kanilang parental arrangement pagdating kay Ellie.

Sa Maynila nag-aaral si Ellie who stays with her father. Pero kapag school break naman ay lumilipad ito ng Siargao to be with Andi at pamilya nito, ang kanyang step-dad, ang professional surfer na si Philmar Alipayo and her two half siblings na sina Lilo (5) at Koa (3).

Habang lumalaki si Ellie ay nagiging carbon copy ito ng kanyang ina when she was her age.

Kahit hiwalay ang kanyang parents ay buong-buo ang pagmamahal at suporta na nakukuha ni Ellie sa mga ito.

Sampung taon nang hiwalay si Jake kay Andi pero hindi pa rin ito pumapasok sa panibagong relasyon. Sa halip ay naka-focus ito sa pagiging ama ni Ellie at sa kanyang flourishing showbiz career.

Nakakatuwang tingnan ang bonding ng mag-amang Jake at Andi. Ipinapakita talaga ng actor ang kanyang pagmamahal at pagiging mabuting ama sa kanyang kaisa-isang anak who’s growing up into a fine and beautiful young lady.

Bibihira ang isang katulad ni Jake na ilalaan ang kanyang oras sa kanyang anak kesa magkaroon ito ng bagong ka-relasyon.

Samantala, payagan kaya nina Jake at Andi na pasukin ang showbiz balang araw? Hindi maikakaila na nasa genes ni Ellie ang showbiz hindi lamang dahil sa kanyang parents kundi maging sa kanyang grandparents, si dating President Joseph `Erap’ Estrada, ang dating aktres na si Laarni Enriquez at ang yumaong sina Jaclyn Jose at Mark Girl na parehong award-winning actors.

Si Jake ay isa sa tatlong anak ni dating Pangulong Joseph `Erap’ Estrada sa dating aktres na si Laarna Enriquez. Ang dalawa pa niyang mga kapatid ay sina Jerika at Jacob habang half-siblings naman nila sina Senators Jinggoy Estrada at J.V. Ejercito, Jude Estrada, Jackie Ejercito at iba pa.

Anak nina Maxine at Timmy bininyagan

TimmyTimmy1ISA nang ganap na Kristiyano ang unang anak ng mag-asawang Maxine Medina and her non-showbiz husband na si Timmy Llana na si Zeke (Timothy Mateus Ezekiel Medina Llana) na bininyagan nung nakaraang Sabado, November 23, 2024.

Ang 2016 Miss Universe Philippines na pumasok sa Top 5 ng Miss Universe na si Maxine Medina ay pumasok din sa pag-aartista pagkatapos ng kanyang reign. Ikinasal siya kay Timmy Llana sa isang intimate wedding ceremony sa Immaculate Heart of Mary in Antipolo nung October 3, 2023 na sinundan ng isa pang beach wedding in Coron, Palawan. The couple got engaged in April 2023 pagkatapos ng kanilang limang taon relasyon bilang magkasintahan.

Jackie hindi pa nakikilala si Kyline

ParasParas1BUKOD sa father na si Benjie Paras and his family at elder brother na si Andre Paras ay hindi pa nami-meet ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara ang mother ng kanyang boyfriend, ang cager na si Kobe Paras na si Jackie Forster and her family na kasalukuyang nasa Europe pero aware na ito sa relasyon ng dalawa.

Very public ang relasyong Kobe at Kyline kaya nasusubaybayan ng publiko ang pag-iibigan ng dalawa.

Since very visible si Kobe sa halos lahat ng mga lakad ni Kyline, hindi kami magtataka kung papasukin din nito ang showbiz tulad ng kanyang parents and brother Andre.

Kobe was in a relationship before with Erika Poturnak, the beautiful daughter ng actress na si Ina Raymundo at Canadian husband nitong si Brian Poturnak. Si Kyline naman ay naging nobyo sina Darren Espanto at Mavy Legaspi, ang twin brother ni Cassy at mga anak ng mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

Carlo at Julia muling magsasama

CarloCarlo1IT was in 2022 nang unang magtambal sina Carlo Aquino at Julia Barretto sa pelikulang “Expensive Candy” mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Lacsamana under Viva Films. Two years later ay muling nagsama ang dalawa sa 50th Metro Manila Film Festival official entry, ang romantic-fantasy na “Hold Me Close” na pinamahalaan din ni Direk Jason who also wrote the story.

Sobrang excited ang dalawang lead stars ng “Hold Me Close” na muling mapasama sa MMFF na matagal-tagal na rin nilang hindi nararanasan laluna ang pagsakay sa karosa para sa MMFF Parade of Stars.

Ang “Hold Me Close” ay hindi lamang reunion project nina Carlo at Julia kundi pareho rin nila itong second movie for this year. Si Carlo ay napanood sa action-drama movie na “Crosspoint” together with a Japanese Emmy-nominated actor na si Takehiro Hira and shot in Japan habang si Julia ay nagmula naman sa isa ring successful reunion movie with her ex-boyfriend na si Joshua Garcia, ang “Un/Happy For You” na pinamahalaan ni Petersen Vargas and jointly produced ng Star Cinema and Viva Films.

Ang “Hold Me Close” was also shot in Japan, isang paboritong bansa ni Carlo who is now married to actress Charlie Dizon.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE