Alden

Kathryn at Alden kasalukuyang nasa Amerika para sa kanilang pelikula

November 20, 2024 Aster Amoyo 126 views

Alden1Alden2HINDI pa man tapos ang screening ng pelikulang “Hello, Love, Again” sa Pilipinas at sa ibang bansa, hindi malayong umabot ng isang bilyong piso ang kikitain sa box office ng pelikulang muling pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Sa anim na araw pa lamang ng gross receipts ng pelikula sa Pilipinas ay umabot na ito sa P566M. Labas pa ito sa international screening ng pelikula. Sa Amerika alone ay kumita ito ng $2.4M sa three-day showing ng pelikula at pumasok ito sa No. 8 sa Top 10 movies in the U.S. and the very first Filipino film na umabot sa ganitong record.

First time ding nangyari sa isang Filipino film sa kumita ng P85-M sa opening day (November 13) and P131M in a single day gross nung nakaraang November 16, araw ng Sabado.

Kasalukuyang nasa Amerika sina Kathryn at Alden to promote their reunion movie na palabas din sa Canada, Australia, New Zealand, Guam at Saipan at kasunod na rito ang Singapore, Malaysia, Middle East, Cambodia, Hong Kong at Macau.

Palabas ngayon ang pelikula in over 1,000 worldwide at patuloy na gumagawa ng kasaysayan. Ang HLA ay pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Sampana at unang joint venture ng Star Cinema ng ABS-CBN at GMA Pictures ng GMA Network.

Bukod sa maganda ang kabuuan ng pelikula, idagdag pa rito ang kilig na hatid ng tambalan ng KathDen nina Kathryn at Alden na inaasahan ng marami na ito’y mauuwi sa totohanan.

Samantala, part of the proceeds ng HLA ay mapupunta sa tulong para sa mga sinalanta ng sunud-sunod na bagyo sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

While rare itong pangyayari sa isang Filipino movie, magandang boost din ito sa Philippine cinema na matagal nang nagsa-suffer since 1997 at ang pagdating ng Covid-19 pandemic.

Kung patuloy na gumagawa ng kasaysayan ang HLA sa box office hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bansa, looking forward naman ang marami sa nalalapit na 50th year ng Metro Manila Film Festival kung saan sampung pelikula ang mga kalahok na magsisimula on December 25, 2024, araw ng Pasko at magtatapos on January 7, 2025 at kasunod na rito ang 2nd Manila International Film Festival na gananapin sa Los Angeles, California, USA sa January 28 – February 2, 2025.

BINI patuloy na gumagawa ng kasaysayan

PBINIBINI1ATULOY na pamamayagpag ng tinaguriang Nation’s Girl Group, ang BINI na kauna-unahang Filipino artists na nakapuno ng Araneta Coliseum sa loob ng tatlong gabi.

Ang BINI na binubuo ng 8-girl members na sina Jhoanna, Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha at Sheena ay wala ring humpay sa kanilang kasikatan at pagtanggap ng iba’t ibang parangal hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Samantala, naging special guest performers naman ng BINI sa kanilang three-night sold out concerts at the Big Dome ang Unkabogable superstar na si Vice Ganda, si `Mr. Pure Energy’ Gary Valenciano, ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at ang ex-PBB Big Winner-tuned singer, actress, host and model na si Maymay Entrata.

Sylvia mas tutok bilang film producer

ArjoMAS nakatutok ngayon si Sylvia Sanchez sa kanyang pagiging movie and concert producer under her family’s own production outfit, ang Nathan Studios.

Halos sold-out na rin umano ang November 29, 2024 major solo concert ni JK Labaho na gaganapin sa SM MOA Arena. Ito bale ang first time ng Nathan Studios na mag-produce ng live concert.

Pagkatapos ng first major solo concert ni JK at the SM MOA Arena ay haharapin ni Sylvia ang pelikulang “TOPAKK” na isa sa sampung pelikulang kalahok sa 50th year ng Metro Manila Film Festival. Tampok sa nasabing pelikula ang award-winning actor and politician na si Arjo Atayde, Julia Montes at Sid Lucero. The movie na dinirek ni Richard Somes is in co-production with Theo & Atlas Productions, Strawdogs Studio and FUSEE.

Marami naman ang natutuwa sa longtime partner ni Coco Martin na si Julia Montes dahil sa sunud-sunod nitong magagandang proyekto. Nung isang taon ay kumite sa takilya ang unang tambalan nila Alden Richards, ang “Five Break-ups and a Romance” at meron siyang upcoming TV series, ang “Saving Grace” na adaptation ng isang hit drama series ng Japan na pinamagatang “Mother”.

Si Julia kasama si Coco ay dumalo sa grand premiere night ng “Hello, Love, Again” na ginanap sa SM Megamall bilang suporta kina Kathryn at Alden.

Close na magkaibigan sina Julia at Kathryn na nagsimula pa sa kanilang “Goin’ Bulilit” days habang si Alden naman ay nakatrabaho ni Julia sa hit movie na “Five Break-ups and A Romance” nung isang taon.

Maganda rin siguro kung magkakatambal sina Coco at Kathryn sa isang movie o di kaya isang Coco-Julia movie na si Direk Cathy and director.

Tulad ng lahat ng mga nakapanood sa HLA, nagustuhan at nag-enjoy din sina Coco at Julie sa pelikula nina Kathryn at Alden.

Samantala, huwag naman sanang pabayaan ni Sylvia Sanchez ang kanyang TV and movie career bilang isang mahusay na actress.

Request ng fans part 2 ng Streetboys reunion

Boys1IPINARATING namin sa singer-songwriter, actor-comedian, TV host, entrepreneur and concert producer na si Ogie Alcasid na marami ang nagre-request sa part 2 ng dance reunion concert ng Streetboys matapos ang kanilang sold-out dance concert na ginanap sa New Frontier Theater nung November 8, 2024.

Hindi lamang reunion dance concert ang nangyari kundi ito rin ang unang beses na nagkaroon sila ng major dance concert kung saan nila naging special guests ang dalawang members ng SB19 na sina Snell at Justin at iba pang dance groups na lahat nagpakita ng gilas sa dance floor.

Umuwi ng Pilipinas sina Spencer Reyes, Michael Sesmundo, Joey Andres at Sherwin Roux na sa ibang bansa na naka-base habang narito lamang sa Pilipinas ang ibang members ng grupo na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Meynard Marcellano, Chris Cruz at Nicko Manalo.

Sarina muling inimbita ng Hong KongDisneyland

BoysSAMANTALA, ang isa sa pinakamasaya at nag-ejoy sa dance concert ng Streetboys ay ang three-year-old daughter ni Jhong na si Sarina Oceania who is a celebrity in her own right.

Naikuwento ng ng dancer, actor, TV host at politician na si Jhong na may invitation muli ang Hong Kong Disneyland kay Sarina and her parents for another free trip and accommodation and tour sa loob ng HK Disneyland. Ayon kay Vhong, sobra umanong nag-enjoy ang bata sa pamamasyal sa loob ng Disneyland.

Pati ang HK Disneyland management ay aware sa pagkakaroon ng over 2 million followers sa TikTok ng talented na si Sarina na hindi malayong sumunod sa yapak ng kanyang ama.

Very hands on si Jhong sa pagtuturo sa kanyang anak na sa edad na dalawa ay nakakanta na ang classic hit song ni Frank Sinatra na “Fly Me to the Moon”.

Bukod sa pagkanta ay tinuturuan din ng dancer, singer, actor, TV host and politician ang kanyang unica hija na napaka-smart sa pagsayaw.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel for notification.

AUTHOR PROFILE