Kathniel

KathNiel, bahay muna bago baby

May 25, 2021 Vinia Vivar 140 views

Dahil sa tagal na rin marahil ng relasyon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, kahit hindi pa sila engaged ay puro kasal ang laging itinatanong sa kanila.

Ito na naman nga ang napag-usapan sa bagong segment ng YouTube channel ni Kathryn na “TGIS With Robi Domingo” kung saan ay si Robi nga ang kanyang guest.

Sa nasabing vlog ay natanong si Kathryn ni Robi kung ano ba ang mga plano nila ni Daniel kapag ikinasal na sila.

Siyempre, ayon kay Kathryn, first and foremost ay magkaroon sila ng sariling bahay.

“Kasi feeling ko once you’re married and you are starting a family na or ’yung relationship na ’yon on a deeper level, I think you need your space,” sey ni Kath.

Sinabi na rin daw niya kay DJ (Daniel) na ayaw muna niya magkaroon ng anak.

“Ayoko rin na mag-anak agad, sinabi ko sa kanya. Kasi gusto ko, enjoy muna namin, ta’s ‘di kami naka-travel ngayon, so ’yun ang gagawin.

“And then, once I’m ready, once we’re ready…

“No pressure naman na mag-baby agad after,” ani Kathryn.

Sey pa niya, “Iba-iba ‘yung couples, kanya-kanyang time ‘yan. We’re taking it day by day kung ano man ang mangyayari.”

Kahapon ay nakatakdang mag-celebrate ng kanilang 9th anniversary as a couple ang KathNiel.

GOING STRONG

JakbieIbinahagi nina Barbie Forteza at Jak Roberto ang regalo nila sa isa’t isa sa kanilang 4th anniversary celebration recently.

“Ang binigay niya sa akin, espresso machine. Coffee is life,” ani Barbie sa panayam ng GMA.

Bukod dito ay nagpa-deliver pa raw si Jak ng favorite food niya at ng kanyang pamilya.

“Nagpaluto siya ng seafood na alam niyang paborito ko at ng aking mga magulang.

“Sugpo, oysters, ‘yan. Nagpaluto siya para ma-enjoy namin para kahit anniversary naming dalawa, ma-enjoy rin namin ng family ko ‘yung food.”

Ang ibinigay naman daw ni Barbie kay Jak ay organizer at hard case ng camera.

Sa kabila ng pandemya, going strong pa rin ang relasyon ng dalawa at ani Barbie, “malaking bagay na parehas kami ng interests at saka kampante na kami sa isa’t isa. Alam namin na wala kaming gagawin para masaktan or malungkot kaming dalawa.

“Lagi kong sinasabi ‘yung assurance and ‘yung security namin sa isa’t isa, talagang matatag.”

Sabi naman ni Jak, “Laging kumustahan pagkagising, bago kumain, pagkatapos kumain, ‘pag nagkakape, ‘pag nagwo-workout. Malaking bagay ‘yung technology, ng video call.”

AUTHOR PROFILE