KathDen natutuwa, KathNiel nalulungkot

April 11, 2024 Aster Amoyo 173 views

Alden1TIYAK na nagbubunyi ngayon ang KathDen fans ng Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo at Kapuso prized actor na si Alden Richards dahil may linaw na umano ang balik-tambalan sa pelikula ng dalawa na muling pamamahalaan ng box-office director na si Cathy Garcia-Sampana at malamang co-production pa rin ng Star Cinema, APT Productions at malamang ay sumosyo na rin si Alden na may sarili na ring production outfit. Malamang na ito’y sequel ng kanilang 2019 mega hit movie na “Hello, Love, Goodye” na si Direk Cathy rin ang director. The movie became the highest grossing local movie of all time hanggaang ito’y malagpasan ng 2023 Metro Manila Film Festival movie ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang “Rewind” na pinamahalaan naman ni Mae Cruz-Alviar under Star Cinema and AgostoDos Productions ni Dingdong.

Ang maganda, may pundasyon na ang pagkakaibigan nina Kathryn at Alden kaya hindi na mahihirapan ang dalawa na mag-adjust sa isa’t isa. Katunayan, lumalalim na rin ang pagkakaibigan ng dalawa na hindi malayong ma-develop sa isa’t isa at mauwi sa totohanang relasyon balang araw. Kapansin-pansin ang pagbibigay ni Alden ng importansya kay Kathryn sa recent birthday celebration nito na parehong dinaluhan ng Kapuso premier actor at kung saan nakita ang extra closeness ngayon ng dalawa na malamang ay nagkakatawagan na at nagpapalitan ng text messages sa isa’t isa.

Kung masaya ngayon ang KathDen fans, malungkot naman ang KathNiel supporters ng dating magkasintahang Kathryn at Daniel Padilla.

Samantala, bukod sa movie na muling pagsasamahan nina Kathryn at Alden, may bagong magkahiwalay na TV series na gagawin ng dalawa. Kathryn is going to be reunited with her “Mara Clara” co-star na si Julia Montes on ABS-CBN habang may bago ring series na ginagawa si Alden sa GMA.

Sina Kathryn at Alden ay pareho ring in-demand celebrity endorsers at successful entrepreneurs at pareho ring stable ang takbo ng kanilang respective careers kaya marami ang matutuwa kung ang dalawa ang magkakatuluyan sa tunay na buhay in the future. Hindi rin magiging problema sa dalawa kahit nasa magkabilang TV network sila.

Alden tuloy na ang pagiging direktor

Alden2SAMATALA, matutuloy na rin ang pangarap ni Alden Richards na maging director at producer under his own production outfit, ang Myriad Entertainment. Although siya ang producer and co-star ni Julia Montes sa kanilang hit movie na “Five Break-ups and a Romance, directorial debut naman niya ang pelikulang “Out of Order” na pinagtatambalan nila ni Heaven Peralejo which is he co-producing with Viva Films. Ang nasabing pelikula ang magiging katuparan ng kanyang pangarap na maging isang ganap na director sa tulong ng kanyang mentor na si Direk Irene Villamor who allowed him to direct some scenes sa pelikulang “Five Break-ups and a Romance” nung isang taon.

Alden celebrated his 32nd birthday with his family in the US. He also attended the very first Manila International Film Festival in Hollywood USA kung saan nakalahok ang kanyang MMFF movie with megastar Sharon Cuneta, ang “A Family of Two (A Mother and Son Story”).

Kung kadalasan ay ang guy ang nagsa-suffer kapag nanggaling sa isang nabuwag na popular loveteam, hindi ito nangyari kay Alden who was able to survive as a solo actor and performer.

Kung matatandaan pa, naging phenomenal ang loveteam nila ni Maine Mendoza nung 2015 until 2018 sa bakuran ng dating “Eat Bulaga” pero agad itong nabuwag nang maging kasintahan and eventually naging mister ni Maine and actor-politician na si Arjo Atayde. Pero nagpatuloy si Alden sa kanyang pagiging popular solo artist ng GMA at pagiging in-demand bilang celebrity endorser. Ito’y labas pa sa kanyang pagiging isang matagumpay na entrepreneur. At ngayon ay isa na rin siyang producer and director.

McCoy at Elisse hindi pa rin kasal

THREE years old na ang anak ng celebrity couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson na si Felize (last April 10) pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakasal ang dalawa and it seems that it works well for them.

Kung matatandaan pa, makailang beses na ring nagkahiwalay ang dalawa pero nagkakabalikan din.

Samantala, thankful si McCoy na siya’y nabigyan ng magandang break ni Coco Martin sa “Batang Quiapo” where he plays a villain.

Si McCoy ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency (VAA) habang si Elisse ay under Star Magic pa rin.

Baby Peanut ang layo na ng narating

PeanutPeanut1Peanut2HINDI na lamang out of town ang narating ng more than one-year-old precious and cute daughter ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Isabella Rose Tawile Manzano or Baby Peanut dahil for the first time ay nakarating na rin ito ng Japan at naranasan nito ang malamig na weather doon (spring) at sobrang na-enjoy ang Tokyo Disneyland, sakura (cherry blossoms) at ba pang pasyalan.

Sa mga Disney characters ng Tokyo Disneyland, sobrang na-in love si Baby Peanut kay Minnie Mouse

Sobrang hands-on ang mag-asawang Luis at Jessy sa pag-aalaga kay Baby Peanut na mini-me ng ina ni Luis, ang Star for All Seasons, award-winning actress at dating politician na si Vilma Santos-Recto na siyang spoiler sa kanyang unang apo.

Buhay ni Dennis madrama

DennisDURING our exclusive interview with actor-comedian, occasional director at dating politician na si Dennis Padilla para sa aming online show, ang “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel, inamin nito na sobra niyang iniyakan ang pagkamatay ng kanyang nakababatang kapatid na si Richard who died at age 29 na nasaksak matapos itong umawat lamang sa dalawang nag-aaway.

“Masakit kasi napakabata pa niya at hindi siya namatay sa sakit,” pahayag ni Dennis.

Aminado ang actor-comedian na hindi umano niya natupad ang pangarap ng kanyang yumaong ama, ang veteran actor-comedian na si Dencio Padilla na maging isang abogado at umaasa siyang tutuparin ito ng isa sa kanyang pitong anak, his second child (sa kanyang unang ex-wife na si Monina Gatus) na si Luis Baldivia na nagtapos din ng Political Science katulad niya.

Ayon sa kuwento ni Dennis, pangarap na maging abogado ng kanyang amang si Dencio Padilla pero maagad itong napasok sa showbiz kaya hindi n anito naipagpatuloy ang kanyang pag-aaral kaya ipinasa niya sa anak na si Dennis ang kanyang pangarap.

Nagtapos si Dennis ng Political Science sa University of Santo Tomas at ito sana ang kanyang pre-law course. Pero tulad ni Dencio, na-lure din si Dennis sa pag-aartista laluna nang kumikita na siya at makabili ng sarili niyang sasakyan.

One time, sinundo umano niya ang amang si Dencio gamit ang kanyang nabiling brand new car. Inabot umano niya ang susi sa ama para ito ang magmaneho at kitang-kita umano niya sa ama ang pagiging masaya at proud nito for him. Kaya kinausap ni Dennis ang ama kung puwedeng hindi na lamang siya tutuloy sa pag-aabogado dahil kumikita na naman siya nang maganda. Although nalungkot ang kanyang ama ay wala na umano itong nagawa kundi ang sumang-ayon sa kanyang gusto. Nang sumakabilang-buhay si Dencio, si Dennis ang umako ng responsibilidad sa kanyang biyudang ina at mga kapatid lalupa’t siya ang panganay. Tulad niya, nakapagtapos lahat ang kanyang mga kapatid sa pag-aaral. Bukod sa kanya, pumasok din ng showbiz ang isa pa niyang nakababatang kapatid na si Gene Padilla. (To be continued).

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE