
KathDen nagdededmahan
Mukhang mabibigo ang fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na umaasang magkatuluyan ang dalawa dahil matapos ipalabas ang “Hello, Love, Again” movie nila ay wala na tayong nabalitaan pa sa kanila.
Ayon kay Cristy Fermin sa kanyang online show, ang latest na nasagap niya ay nagdededmahan na ang KathDen ngayon.
“Sinasabi nagdededmahan na lang daw si Alden Richards at saka si Kathryn Bernardo. Ni hindi nga raw binati ni Kathryn si Alden noong nag-birthday,” sey ni ‘Nay Cristy.
Pero siyempre, hindi pa rin umano natin alam talaga kung ano talaga ang tunay nangyayari sa dalawa.
“Malay naman natin kung nag-uusap naman ‘yung dalawa nang sila lang. Personal,” sambit pa ng batikang host.
Maging ang mga netizen ay napupuna nga rin na biglang tahimik ngayon ang KathDen at wala na kahit anong sightings sa kanila na magkasama.
May mga nabasa kaming komento na binabatikos si Alden dahil hanggang promo lang daw pala ang sweetness nito kay Kathryn. Nang matapos na ang movie ay goodbye na rin daw.
Actually, MIA (missing in action) ngayon si Alden sa social media dahil sa pagkawala ng kanyang lolo.