Bea

Kaso ni Bea laban sa kasambahay, ibinasura

September 10, 2024 Vinia Vivar 166 views

Ibinasura ng Quezon City Prosecutors Office ang cyber libel case na isinampa ni Bea Alonzo laban sa dati niyang kasambahay.

Ibinalita ito ni Cristy Fermin sa kanyang radio program with Romel Chika.

Nakasaad daw na kulang sa ebidensya at hindi napatunayan ang akusasyon kaya na-dismiss ang kaso.

“Ang nakalagay du’n sa kanilang release ay kulang sa ebidensiya, hindi napatunayan kaya dismissed,” sabi ni ‘Nay Cristy.

Nagkabiruan nga sila ni Romel Chika na “sana all” dahil nga sinampahan din silang dalawa ni Bea ng kasong cyber libel sa Quezon City Prosecutors Office.

“Susunod na rin tayo (na ma-dismiss ang kaso),” sey ni Romel Chika.

Ayon naman kay ’Nay Cristy, of course, hiling din nilang ma-dismiss ang kanilang kaso pero siyempre ay depende pa rin ‘yan sa piskalya.

“Yan din ang hiling namin, pero hindi namin dapat pangunahan at nasa piskalya pa po ang kaso,” aniya.

“Ang mahalaga, kapag merong sapat na ebidensiya para sumampa ang kaso, walang problema.

“Pero kapag wala talaga at hindi kinambalan ng mga ebidensiya, eh, tiyak na sa basurahan din ang tuloy ng anumang kaso, ganu’n lang ‘yun,” wika ni ’Nay Cristy.

JOHN NAGPASALAMAT KAY CALOY

Nagpasalamat si John Estrada kay Carlos Yulo dahil sa pagsasayaw nito ng trending “Rigor” dance challenge.

Ni-repost ni John ang video ng pagsabak ng two-time Olympic gold medalist sa nasabing usong dance craze kasama ang girlfriend nitong si Chloe San Jose.

Sey ng aktor sa caption, “Salamat idol caloy.”

Ang “Rigor” dance craze ay hango sa role ni John bilang Rigor sa “FPJ’s Batang Quiapo.” Ginamit ang trending dialogue ni Mercedes Cabral as Lena sa BQ at ni-remix.

Napakarami nang netizens at celebrities ang sumabak sa “Rigor” dance challenge at maging sina Mercedes at John mismo ay isinayaw ito.

Sa kasalukuyan, viral na ang video ni Carlos at Chloe ng version nila ng nasabing dance challenge.

DEREK UMALMA SA PAGDUDUDA NG NETIZENS

Bagama’t kitang-kita naman sa mga post ni Derek Ramsay na genuine ang pinapakita niyang love sa kanyang stepson na si Elias, may mga netizen pa rin na nagdududa at sinasabing isang ‘act’ lamang ito.

Kaya naman inalmahan ito ni Derek sa panayam sa kanya ni Morly Alinio.

“Pero anong act? Asawa ko ‘yan. Anong acting? Honeymoon namin, kasama namin ’cause I want Elias to experience Africa with us. Lagi kong hinahanap ‘yan,” sey ni Derek.

“Elias is a beautiful child. Ang sarap niyang kasama. May problema ka na sa sarili mo kung hindi mo kayang mahalin ‘tong batang ‘to. He’s a great kid. So for me, it was just natural for me to fall in love with this boy as part of Ellen,” sey ng aktor patungkol sa anak ng misis niyang si Ellen Adarna at ni John Lloyd Cruz.

Asked about his relationship with Lloydie, pahayag ni Derek, “Wala naman kaming problema. Hindi naman kami bestfriends.”

Sey naman ni Morly, “Hindi kayo bestfriends pero hindi rin kayo magkaaway.”

And Derek replied, “Hindi. Si John Lloyd, kasi Elias has school now so Monday to Friday, sa amin siya, then sa weekends, sa Papa niya.”

Tiniyak din ng aktor na hinding-hindi mangyayari na aagawan niya ng karapatan si Lloydie kay Elias.

“No, I would never disrespect him, I know my place. Kumbaga, second best, hanggang du’n lang ako,” paniniguro ni Derek.

AUTHOR PROFILE