LizQuen

Kasalang LizQuen, dinenay ng talent manager

August 31, 2021 Vinia Vivar 214 views

Nilinaw agad ng manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz ang tsikang nagpakasal na ang alaga at boyfriend na si Enrique Gil.

Sa isang video kasi ay nakitaan ang LizQuen ng identical rings kaya agad itong nag-viral kasama ang ispekulasyong kasal na ang dalawa.

“Hindi totoo ‘yan,” ang diretsong paglilinaw ni Ogie Diaz sa vlog nila ni Mama Loi.

‘Yung tungkol sa singsing na nakita sa dalawa ay hindi raw totoo.

“Parang photo shoot ‘yan or vlog, nagba-vlog sila, okay? Andu’n si Perry (stylist), so pinasuot ni Perry kay Liza ‘yung singsing na props,” paglilinaw pa ni Ogie.

Kwento pa ng manager ay naloka nga rin daw siya nang i-tag siya ng fans tungkol sa issue dahil siyempre, siya ang manager ay wala siyang kaalam-alam.

Kaya naman agad daw niyang tinext si Liza at tinanong kung ano ba ang totoo.

Siyempre, bilang manager, pinakaayaw daw niya ay ‘yung siya ang ‘the last one to know’ at ilang beses na rin niya itong sinabi sa aktres.

Ipinasa raw niya ang viral photo na suot ng LizQuen ang mga singsing at sagot naman daw ni Liza, “parehong kanan po ‘yan. ‘Yung isa ay accessory na suot ko, ‘yun ‘yung galing kay Tito Perry.

‘Yung ring po ni Quen, kanya po ‘yon.”

In-assure rin daw siya ni Liza na if ever, siyempre ay ipapaalam daw niya kay Ogie ang pagpapakasal nila.

Marami naman daw ang rooting for LizQuen na magkatuluyan talaga at ang dami nga raw positive comments if ever nga na totoo ang kasal issue.

“Pero ang alam ko kasi, mayroon pa silang goal, meron pa silang pangarap. Ang importante, eh, sila pa rin,” sey ni Ogie.

Excited sa first Kapuso project

Sobrang excited na si Xian Lim na makatrabaho si Jennylyn Mercado sa first project niya sa GMA-7, ang Love, Die, Repeat.

“Even before pa, I’ve watched her film with John Lloyd (Cruz) and I instantly became a fan. Aside from magaling siya, nakikita kong she’s very passionate,” ani Xian sa panayam niya sa GMA-7. Bukod dito, ipinahayag din ng aktor ang kasiyahan niya for being a Kapuso.

“I feel very happy and excited being here. I’m really grateful sa lahat ng nangyayari,” aniya.

Kamakailan nga ay nagkaroon na ng story conference ang Love, Die, Repeat kung saan ay nakilala niya ang iba pang makakasama sa soap.

Nagustuhan din niya ang kwento ng serye gayundin ang kanyang karakter.

“Kakaiba ‘yung kwento. In terms of my character, para sa mga Kapuso natin, I would say that it’s something different na maibibigay ko,” ani Xian.

AUTHOR PROFILE